top of page
Writer's pictureAng Tinig

MODELO ARESTADO SA MAYNILA

Aira Dela Cruz


MANILA, Philippines – Arestado ang isang babaeng modelo nang manakit ng traffic enforcer matapos sitahin sa simpleng paglabag sa batas trapiko.


Patong-patong na kaso ngayon ang kakaharapin ng suspek na si Pauline Mae Altamirano Salamero alyas Maria Hola Sy, 26, dalaga, model at residente sa Unit 8E , Tres Palmas taguig City. may address din itong no.182 Rizal St., Rizal.



Sa ulat na na ibinahagi ni Special Mayors Reaction Team (SMART) chief Lt/Col Rosalino Ibay Jr, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmeña Highway corner San Andres St., Malate, Manila ngayong Huwebes.


Sa reklamo ni Marcos Anzures Jr, 35, binata at traffice enforcer ng Mania Traffic and Parking Bureau (MTPB) , kasama niya si T/E Rowell Echalar na nagmamando ng trapiko sa nasabing lugar nang mamataan ang Toyota Fortuner na may plakang NAX-2723 na lumabag aa traffic signal (beating the red light ).


Tinangkang pahintuhin ni Anzures ang suspek subalit sa imbes na huminto ay nagpatuloy pa rin ito sa pagdadrive dahilan para siya ay habulin at makorner sa Osmeña Highway kanto ng Estrada St., Malate, Manila.


Nang hingan ng drivers license, ay tumanggi itong magbigay ng anumang dokumento.

Tiyempo namangay napadaang mobile car kaya nagpasaklolo ang enforcer na sinunod naman ng suspek at binigay ang xerox copy ng kanyang OR/CR pero bigo pa ring maipakita ang kanyang lisensya .


Dahil dito, inatasan ni Anzures ang suspek na sumunod sa kanila sa impounding area at sa halip ay bumaba sa kanyang sasakyan saka pinagsasampal, pinagmumura ang enforcer.

Bunsod nito, ang suspek ay tuluyang inaresto at dinala sa tanggapan ng MTPB sa Manila City Hall.


Nahaharap ito sa kasong Direct Assault, Resistance and Disobedience to a Person in Authority of the Agent of Such Person at Driving without License.


1 view0 comments

Comments


bottom of page